Podchaser Logo
Home
EPISODE 13: Ang Pangarap Kong Love Story

EPISODE 13: Ang Pangarap Kong Love Story

Released Thursday, 8th April 2021
Good episode? Give it some love!
EPISODE 13: Ang Pangarap Kong Love Story

EPISODE 13: Ang Pangarap Kong Love Story

EPISODE 13: Ang Pangarap Kong Love Story

EPISODE 13: Ang Pangarap Kong Love Story

Thursday, 8th April 2021
Good episode? Give it some love!
Rate Episode

“ANG PANGARAP KONG LOVE STORY”

Namulat ako sa KathNiel, sa mga teleseryeng tinangkilik ng kilig,mga pelikula sa pinilakang tabing ng tili,mga eksenang sa puso’t isip namumutawiat ng mga kuhang larawan na itinago’t ikinubli

Kinalakhan ko ang LizQuen,mga pagsasamang binuo ng tampuhan,mga sandaling binalot ng tawanan,mga panaghoy na naging katotohanan,dramang pinalawig ng masalimuot na karanasanat mga komedyang niyakap ng karangalan

Napukaw ako ng Jadine,sa kanilang mga titig at yakap,sa mainit na halik at hawak,sinundan ko ang riles ng relasyon hangang sa huling istasyon,na nagbigay sa akin ng inspirasyon,motibasyonat leksyonsa mga taong gusto ng panibagong bersyon at ng simpleng atensyon—mga taong susubok na maging tunay ang tibok at tatanggap sa aking pagbangon

at pagkakalugmok

pero nabuhay akosa pag-ibig

at nagpapatuloy akosa pag ibig

para maibahagi koang sarili kong kwento

———

“Gusto ko ng katuwang na magpaparamdam sa akin ng pahinga. Payapang paligid na magbibigay sa akin ng ginhawa. Gusto ko rin ng tahanan,na magpapatahan sa akin sa mga gabing wala na akong maiyakan.

Gusto ko rin ng alagang hayop,na maglalambing sa’kin kung sakaling nakakaramdam ako ng takot.

Pangarap ko ang katahimikan.Malayo sa magulong lansangan at maiingay na maalinsangang sasakyan. Pangarap ko ang buhangin,ang dapithapon sa dalampasigan, ang simoy ng hangin at hampas ng alon, ang himig ng nagliliparang mga ibon,

Pangarap kong humiga at huminga sa nakakapagod na mundohabang humihigop ng mainit na kape,habang pinapanood ang kumakaway na mga pananim—mais, palay,tubo o gulay.

Pangarap ko ang yakapin mo akosa gabing malamig na hindi mawari kung ulan ba o bagyoAt ika'y hahagkan,pipisilin ang pisngi,at ilonghabang nakangiti,

hahagkan kita sa noo,bilang paalala kung gaano ito katotoo—ang pag-ibig,

ang relasyong sabay nating pinangarap

hindi na ito panaginip,

isa na itong kaganapan,ikaw ang sapat at ako ang tiyak,dito sa payak na kwento ng malawak na mundo ng pangarap."

Hindi na ako humihiling pa,wala ng sana,dahil nandito ka na.

Ang pangarap kong love story ay hindi lang basta kwento ng pag-ibig.

Ang gusto ko ay totoo. Walang pagtatago. Walang pagpapanggap. Walang kasinungalingan kundi pagtanggap. Pagpapatawad. Pag-unawa. Pag-intindi. Pagpapasaya. Pananatili. Pagpili. At Pananalangin.

Dahil sa mahirap at komplikadong tanong na"Ano ang pangarap mong love story?"

ang palaging kong sagot, simple lang,

"SIMPLE LANG"

Walang arte,Walang sakit,walang inggit,walang galitkundi puro lang pagmamahal

at higit sa lahatgusto ko,

yung gusto ni Kristo.

—simple lang (2021)

Show More
Rate

Join Podchaser to...

  • Rate podcasts and episodes
  • Follow podcasts and creators
  • Create podcast and episode lists
  • & much more

Episode Tags

Do you host or manage this podcast?
Claim and edit this page to your liking.
,

Unlock more with Podchaser Pro

  • Audience Insights
  • Contact Information
  • Demographics
  • Charts
  • Sponsor History
  • and More!
Pro Features