Podchaser Logo
Home
EPISODE 15: Iniibig na Alaala

EPISODE 15: Iniibig na Alaala

Released Sunday, 9th May 2021
Good episode? Give it some love!
EPISODE 15: Iniibig na Alaala

EPISODE 15: Iniibig na Alaala

EPISODE 15: Iniibig na Alaala

EPISODE 15: Iniibig na Alaala

Sunday, 9th May 2021
Good episode? Give it some love!
Rate Episode

I.N.A (Iniibig Na Alaala)Ni Lee Feng T. Nunez

Kapag nakakita ng masayang inaAking naaalala mahal kong inaAng ngiti sa mukha at pag-aalagaAy walang katumbas anumang halaga

Pumanaw man siya ay nandito pa rinNasa aking puso at pati damdamin'Di man makita kanyang katauhanAy palagi naman nandiyan sa tabihan

Kanyang alaala ang saki'y naiwanPalaging masaya walang kalungkutanPalaging kasama sa 'king kadramahanSa 'king kasiyahan at sa kalokohan

Habang sinusulat itong aking tulaAy nararamdaman ko ang pangungulilaNgunit sa kabila ako'y natutuwa Habang tumutulo aking mga luha

Aking naalala aking pagkabataPalaging may handang tinapik sa mesaAt kung kaarawan, may balut na isaAt kung Pasko nama'y damit na maganda

'Pag may sugat naman agad lalapitanIto'y gagamutin at pag-iingatan'Di paglalaruin, 'di palalabasinBibigyan ng payo at mga pagkain

Dahil mahal niya 'di pababayaanAyaw matatalo, ayaw palalamangMakikipagtalo, makikipaglabanUpang mahal niya'y mapabuti lamang

Ang lahat ng saya kapag siya'y kasamaAy hinahanap ko sa tuwi-tuwinaAng pag-aaruga ay walang kapantayGanyan kahalaga ang gawa ni Nanay

Ang bahay ay kulang kung wala ang ilawParang buhay lamang 'pag walang liwanagPalaging madilim parang walang arawMadaling gibain, madaling matibag

Kaya ating oras ay 'wag aksayahinAng ating magulang ay ating mahalinDahil 'pag nawala sila sa 'ting pilingBaka ating hangarin ay 'di na marating

Ang punto ko lamang ay iyong malamanAng bawat halaga ng ating magulangLalo na sa ating nag-iisang inaNa kapag nawala ay parang sakuna

Mangungulila ka araw man o gabiLaging hahanapin ang kanyang pagtabiTuwing lumuluha, tuwing may problemaHindi mo na siya muling makikita

Lagi kang iiyak ng walang kasamaLagi kang malungkot, laging nag-iisaSapagkat wala na ang mahal mong inaNa iyong kakampi sa tuwi-tuwina

Kaya ang tulad ko lumaking masayaAt naging matatag kahit walang inaAng naging pundasyon ay ang alaalaNa laging sariwa sa aking memorya

Ngayon aking ina salamat sa iyoIkaw ang nagturo sa buhay kong itoKung pa'no lagpasan ang mga pagsubokKung pa'no mabuhay ng hindi marupok

Kung nasaan ka man sana'y nakikinigSa aking pagtawag, sa 'king mga himigNais kong sabihing ika'y iniibigAt handang higpitan ang kapit sa bisig

Oh mahal kong ina salamat sa lahatSalamat sa gabay at mga pangarapAking ginagawa ay iyong imulatKung saan ang tama hahit na mahirap

Ako'y patawadin kung nagkakasalaSa mga kapatid at ating pamilya'Di man magampanan ang pagiging kuyaAt pagiging isang mabuting kasama

Kaya sana ina masaya ka diyan'Wag ka mag-alala sa ating pamilyaAko ang tutulong sa ating pagyamanAko ang bubuo sa tamang istorya

Masaya ang wakas, masaya ang lahatKasama sa taas, kalaro sa ulapPagmamasdan natin ang ganda ng dagatAt kokompletuhin ang mga hinahanap

Sa tula na ito ay isisigaw koKung gaano kapalad ang mga tulad koKahit walang ina ay nararamdamanAng init ng yakap na walang hangganan

Ang huling bahagi sa'yo iaalayMahal kita Nanay, mahal kita MamaMahal kita Mommy, mahal kita InaMahal kita kahit alaala ka na.

Show More
Rate

Join Podchaser to...

  • Rate podcasts and episodes
  • Follow podcasts and creators
  • Create podcast and episode lists
  • & much more

Episode Tags

Do you host or manage this podcast?
Claim and edit this page to your liking.
,

Unlock more with Podchaser Pro

  • Audience Insights
  • Contact Information
  • Demographics
  • Charts
  • Sponsor History
  • and More!
Pro Features