Podchaser Logo
Home
EPISODE 12: Ang Kasinungalingan ay Mabagsik na Kalaban

EPISODE 12: Ang Kasinungalingan ay Mabagsik na Kalaban

Released Monday, 29th March 2021
Good episode? Give it some love!
EPISODE 12: Ang Kasinungalingan ay Mabagsik na Kalaban

EPISODE 12: Ang Kasinungalingan ay Mabagsik na Kalaban

EPISODE 12: Ang Kasinungalingan ay Mabagsik na Kalaban

EPISODE 12: Ang Kasinungalingan ay Mabagsik na Kalaban

Monday, 29th March 2021
Good episode? Give it some love!
Rate Episode

Ang Kasinungalingan Ay Isang Mabagsik Na KalabanNi Pedro

Ang kasinungalingan ay isang mabagsik na kalabanPilit itong makikipagsiksikan sa ating kapaligiranTinatakpan nito ang ating tenga upang hindi natin marinig ang katotohananHihilahin ka nito mula sa iyong pagbangon upang muling mahimbing sa kasalananUnan niya ang takotSarili nating pagpili sa mali ang nagsisilbi niyang kumotPatuloy tayo nitong binabalotKasama niya ang mga kuliglig sa iyong dibdibPatuloy siyang manliligaligWala kang ibang maririnig kundi ang kataksilan nito at himig

Ang kasinungalingan ay isang mabagsik na kalabanAlam niya ang mga araw na mahina kaMga panahong isang ihip lang ng hangin ay tutulo na ang mga luha sa mataMatutulala ka Kaya bigla bigla siyang kakatok sa pintuan ng iyong konsensyaAt wala kang magagawa kundi piliin siyaAlam niya ang iyong mga lihim na itinago si gilid ng dingdingLetra ng pangungusap ang gamit niyang patalimAt hindi lang basta natatapos sa tuldokDahil kabisado niya ang pagmulat ng iyong mga mataAng kamay mong parehong napapasmaAt puso mong nangangambaAlam niya na mahal mo siyaAt handa kang muling piliin siyaKaharap mo man ang hari at reynaIpagmamalaki mo pa siyaBibihisan mo ng makulay na damitAt bubuuin ang gamit ang mga pariralang punit punit

Mabagsik ang kalabanKailangan mo ng kalasag at sandiganPutulin mo ang ugat ng kasamaanMula sa maling desisyon at pagtahak sa maling daanKapitan mo ang tatagAng grasyaAng awa atAng pagmamahalDadalhin ka nito sa kalinisanPero sa oras na malinis ka naHanda ka muli niyang putikanMadumi makipaglaro ang tadhanaKakampi niya sa plano ang mga masasamaAakayin kang magkamaling muli Upang mas mahirapan kang patawarinMas lumalim ang balon ng kasalanan mo sa mga naniniwala sayong mga tinginPatuloy kang masisiraAt bubuuin ka ng buo mong kasinungalinganDito ka na mabubuhayDito ka na dedependeMagmimistulan siyang jeepney Paulit ulit kang ililibre ng pamasaheDadalhin ka sa sarili niyang balwarteAalipinin kang maigiDi ka dapat mag inarteDahil guyam ka lang sa katulad niyang kapreKakabahan ka kahit di ka humigop ng mainit na kapePagkatapos ay aakbayan ka niyaAt kakapitan ka sa kaliwa at kanang pisngiSabay aamin ng pasimple“Pasensya na, nahulog ka sa patibong at isa ka na ngayon sa mga madumi.”Tapos biglang liliwanag ang langitNgingiting muli at sisilipMga tinig ng pag-asa ay nagsisiawitAt sa panahong duguan ka naLiliwanag ang paligidAt lalabas ang iyong kakampiMagsasabi“Handa akong linisin ka sa kung gaano ka man kadumi. Handa akong iligtas ka, dahil alam kong hindi pa huli. Kumapit ka lang ng mabuti, kumapit ka sa mabuti. Ililigtas kita. Nandito na kami.”At bumaba sa langit ang mga anghelIpinaglaban kaKasama ng DiyosAng mabuting kakampiNagapi ang mabagsik na kalabanUmahon ka Bumangon paAt nagpatuloy

Wag kang babalik sa lugar ng kasinungalinganMuli ka ditong makukulongDadayainNgunit wag ka na muling magpatalo at magpaalipin sa mundoKasama mo ang DiyosAt matatalo mong lahat ng mabagsik na kalaban moManiwala ka langManaligAt mabuhay sa katotohanan.

🖤

Show More
Rate

Join Podchaser to...

  • Rate podcasts and episodes
  • Follow podcasts and creators
  • Create podcast and episode lists
  • & much more

Episode Tags

Do you host or manage this podcast?
Claim and edit this page to your liking.
,

Unlock more with Podchaser Pro

  • Audience Insights
  • Contact Information
  • Demographics
  • Charts
  • Sponsor History
  • and More!
Pro Features